BAKIT ANG HIRAP KALIMUTAN KA?

Bakit hindi nila kayang maintindihan?
Pagkalungkot ko sa pagkawala mo'y ka'y hirap iwasan.
Gabi-gabi parin umiiyak at umaasa,
Na sana'y ang pagiisip ko na babalik ka'y magkaroong pagasa.

Tinig mo'y aking hinahanap,
Luto mo'y aking nilalasap.
Napakahirap na pigilan ang aking pag iyak,
Alam kong hindi mo gugustuhing nakikita akong ganito, aking tinitiyak.



Patawarin mo po ako sa lahat ng nagawa kong mali sayo,
Masasabi kong ikaw ang pinaka mabuting taong nakilala ko.
Sana'y kung kapiling parin kita at nagtagal ka pa,
Maiibibigay ko lahat lahat ng saya na dapat iyong tinatamasa.




Kay sarap sanang makita kang nakangiti,
Ng lahat ng lungkot saaking puso'y biglang mapawi.
Mga paghihirap mo para saakin ay kakaiba,
Ikaw ang pinaka bukod tangi handang ibigay ang lahat hanggat kaya pa.

Hinahanap hanap ka parin hanggang ngayon,
Sana'y masaya ka na po saan ka man naroroon.
Walang makakapalit sayo aking Ina.
Nagiisa ka lamang sa buhay ko, Mahal kong Jeanita.

Comments

Popular posts from this blog

ARTSY CAFE

BROWN'S GOURMET WITH A TWIST

MY FIRST HAIR LASER WITH HAIR BOTOX TREATMENT AND GEL LASH LIFT SUPERBOOST